Thursday, May 23, 2013

TMX SUPREMO REVIEW

When we say Honda we are reminded of the TMX 155?

Eh ano ba ang TMX 155?  Eto siya!
HONDA TMX 155


Yung motor na may specification na gaya nito:
  • Engine Type
    4 - Stroke OHV Air Cooled (Oh! walang radiator yan brads!)
  • Displacement                  (may formula ako jan eheheh)
    155.3 cc
  • Bore & Stroke
    58.5 mm x 57.8 mm
  • Starting System               (walang push button/ electric starter)
    Kick
  • Ignition System    
    AC-CDI (Capacitor Discharge Ignition)
  • Transmission Type
    Constant Mesh 4-Speed
  • Gear Shift Pattern
    Manual / N-1-2-3-4
  • Suspension (Front)
    Telescopic Fork
  • Suspension (Rear)
    Twin
  • Brake System (Front)
    Mechanical Leading Trailing
  • Brake System (Rear)
    Mechanical Leading Trailing
  • Combination Brake System
    N/A
  • Tires Size (Front)
    3.00 - 17 4PR
  • Tires Size (Rear)
    3.00 - 17 4PR
  • Wheels Type
    Spoke
  • Over-all Dimensions (LxWxH)
    1,915mm x 735mm x 1,032mm
  • Wheelbase Dimensions
    1,201 mm
  • Dry Weight
    108.3 Kg
  • Seat Height
    743 mm
  • Ground Clearance
    150 mm
  • Fuel Tank Capacity
    9.0 Liters (Reserved 2.0 Liters)
  • Fuel
    Unleaded Gasoline (93+ or above octane rating)
  • Fuel System
    Carburetor
  • Engine Oil Capacity
    1 Liter
  • Automatic Headlight On (AHO)
    N/A
  • Parking Brake
    N/A
  • Key Shutter
    N/A
  • Side Stand Switch
    N/A
  • Maximum Horse Power [kW (PS)]
    9.29 (12.6) @ 8,000 rpm
  • Maximum Torque (N.m)
    12.1 @ 6,500 rpm


Eto yung motorcycle na madalas sinasabi ng tao kapag binanggit na ang brand na Honda.
Alam nyo ba that!? The Honda TMX 155 is a motorcycle designed by Honda for the business market. The TMX line comes in two variants: The TMX 155 and the TMX 125. The TMX 155 is a 155.3 cc four-stroke, OHV, air-cooled engine intended for heavy duty tricycle use. It has a 4 down manual transmission and a primary kick starter, as well as a magneto AC-CDI ignition. A telescopic fork front suspension and twin rear suspension cushion the bumps on the road. The TMX155 has also passed Euro 1 emission testing. (si wikipedia nag sabi nyan).


Kilalang kilala talaga ang honda 155cc buong Pilipinas  dahil subok na matibay at matatag ang modela na ito. nakakalungkot man isipin at teary eye ka na dahil magpapaalam ng ang tmx 155 sa production line at ikaw ay bitter na bitter dahil di mo matanggap, may ipapalit naman sila dito.

ang modelong may specs na gaya naman nito:

Name: TMX SUPREMO 150

Ang Specification naman nya ay ganito:

  • Engine Type
    4 Stroke, OHC, Air-cooled
  • Displacement
    149.2 cc
  • Bore & Stroke
    57.3mm x 57.8mm
  • Starting System
    Electric / Kick Starter
  • Ignition System
    DC-CDI
  • Transmission Type
    Constant Mesh 5-Speed
  • Gear Shift Pattern
    Manual / 1-2-3-4-5
  • Suspension (Front)
    Telescopic Fork
  • Suspension (Rear)
    Twin
  • Brake System (Front)
    Mechanical Leading Trailing
  • Brake System (Rear)
    Mechanical Leading Trailing
  • Combination Brake System
    N/A
  • Tires Size (Front)
    80/100 - 18M/C 47P
  • Tires Size (Rear)
    90/90 - 18M/C 51P
  • Wheels Type
    Spoke
  • Over-all Dimensions (LxWxH)
    2,037 mm x 778 mm x 1,068 mm
  • Wheelbase Dimensions
    1306mm
  • Dry Weight
    120 Kgs
  • Seat Height
    771mm
  • Ground Clearance
    163mm
  • Fuel Tank Capacity
    14.3 Liters (Reserve 2.0 L)
  • Fuel
    Unleaded Gasoline (93+ or above octane rating)
  • Fuel System
    Carburetor
  • Engine Oil Capacity
    1.0 Liter
  • Automatic Headlight On (AHO)
    Equipped
  • Parking Brake
    N/A
  • Key Shutter
    Equipped
  • Side Stand Switch
    N/A
  • Maximum Horse Power [kW (PS)]
    7.85 (10.7)(10.5hp) @ 7,000rpm


ELECTRIC STARTER
Has kick or electric starter, so pwede mo i try kung ano man ang trip mong starting, take note soft kick siya at hindi ka masasaktan kahit mali ang pagkaka pwersa mo sakanya. Advantage ng electric starter ay para mapadali nag pagpapaandar nito kumbaga para convenient. Unlike kay tmx 155, si supremo ay madaling paandarin at hindi kakain ng oras para maistart mo siya,


Sitwasyon:
Driver na naka TMX 155 sumingit sa traffic at pumagitan sa dalawang sasakyan, eh naka tresera pala xa at namatay ang motor dahil mabagal: Tingin sa kick lever.... binaba ito ng konti gamit ang paa, nagsimulang sumipa.... nag green light ang traffic light nataranta sa pag sstart at di parin ito nag start.... nag cause ng traffic.... dinaanan ng isang pulang tmx supremo (-_-)



 NEW PANEL
Sa panel mo may speed meter, tachometer, fuel gauge at gear indicator ka na. Gear indicator? kailangan ba to? Eto kasi yung nag sasabi sayo kung anong gear ang gamit mo at take note kapag mabagal ka at kwarta ang gamit mo mamamatayan ka ng makina kung baga ito ang ng reremind sayo na "pare bawas gear na" okya pwede din naman na "pare dagdag na".


Gasoline Gauge: OH bigla namatay ang motor mo, NAKUU!! reserve na pala? kaya pala mejo magaan ang motor! Ayan ang mga madalas na problema eh pano pag busy ka at pinagtripan ka't linagay sa reserve ang motor mo, ng naubusan ka "NAKU!"  drain na drain ang gas tank mo at di mo man alam? ahahah.




Tachometer? ano ba ito? Eto yung nag sasabi sayo kung ano ang kasalukuyang antas ng rpm ng makina mo....kailangan ba talaga to? Oo siguro... para di mo na lalagyan ang motor mo ng accessories na parang tasa ng bata na naka lawit sa side gaya nito. Hindi pa nga accurate ang mga ganito eh. (see image left)



Choke Lever ay nasa tabi ng switch ng High/Low Beam Light. Unlike the TMX 155 na nasa likod ng engine block at mismong naka dikit ang choke lever sa carburetor nya.
Ang Beam Light Switch naman ay binago ang design. ngayon parang nggsswitch ka lag ng ilaw sa bahay.




PASS LIGHT
Naranasan mo na ba na humingi ng daan sa kasalubong mo gamit ang high light ng motor?
Yan ang gamit ng pass light. Ito yung mini switch na walang lock kung saan pag pinindot mo eh iilaw high beam light nya. Hindi to aandar kung naka lagay sa high beam light mode ang headlight mo kung kaya naman dapat naka low beam kung gagamitin.



5 SPEED TRANSMISSION
Dignagdagan nila ng additional gear etong bagong unit. Bakit? Kapag nag mamaneho ka na sa open road at nasa cruising speed ka na, may time na marreach na nito ang maximum rpm ng makita. Pag mataas ang sigaw ng makina lalo itong kumakain ng gasolina. Ano ang logic ng 5th gear? Kung gusto mong mag drive ng mabilis at ayaw mong magmumog ng gasolina ang motor,
                          AUN  IFIFTH GEAR MO BABY!

Anti Theft Key Lock System
Isang common na ngyayari pag nakawan ng motor yung pinapasakan ng screw driver na negative ang key hole. ayun akin na motor mo screwdriver lang dala ko. Wala din ganitong safety feature ang TMX 155 at ang system na to ay nagiging trend na almost every motorcycle models na narerelease ngayon.

TMX SUPREMO ENGINE

Compute natin ang displacement volume ng SUPREMO




FORMULA:

3.1416(borexbore)/4  x stroke

                    1000
BORE = 57.3mm

STROKE = 57.8mm

AYON kay EINSTEIN

3.1416(57.3x57.3)/4   x   57.8

                    1000
                   
 =                149,049
                    1000

 =          149 cubic cm ~ assumed na 150

si TMX 155 naman ay

BORE        =   58.5
STROKE   =   57.8




Compute mo man 155.3 yan ehehehe...




TESTING: 
Using the stock parts ng both model sinubukan ko magcompare sa top speed at sa acceleration nila kung saan naobserbahan na ang 155 cc engine ay kayang ma compensate ng 5speed gearbox nito and upon reaching top speed eh lamado sa fuel efficiency ang SUPREMO dahil sa 5th gear nito na nagpapakalma sa makina habang tumatakbo sa cruising speed na di katulad ng tmx 155 na upon reaching cruising speed ay mataas na ang tono ng makina. Vibration rate ay mababa dahil sa timing chain whereas ung sa push rod ay mejo mas ma vibrate at nakaka kiliti ng kamay while driving..

PROS:

Pino ang pagtakbo at mas maraming features ang TMX SUPREMO mga bagay na hindi natin makikita sa TMX 155. Comfortable din ang upuan dahil nakahulma na ito at hindi agad agad mamamanhid ang puwet mo kapag mahabang byahe ang usapan. Halogen ang light bulb nya at mas maliwanag ang ilaw. Ang design features nya is more of a sporty time than a brawn type. Mas less  ang emission ng supremo kaya environmentally friendly ito, isang bagay kung saan napagdisisyonan ng palitan ang tmx 155. Fuel efficient ang supremo at may 14 litre capacity ang gas tank unlike 155 na 9 litres lang. Tendency nito ay di ka bibitinin sa malayuang byahe.


CONS:
Kung thrill seeker ka di mo maapreciate ang tmx supremo dahil sa pino itong tumakbo at di mo agad mararamdaman na tumatakbo ka na ng mabilis dahil sa vibration ng makina unlike tmx 155. Under Improvement parin ang TMX SUPREMO along the way ay maari parin natin makita ang mga ppwedeng maging problema ng TMX SUPREMO.

Malaki ang gulong ng TMX SUPREMO at ang ride height ay mas mataas compared sa 155cc maari.



Evaluation:

"Numbers will always make sense" ika nga ng karamihan kung kaya naman may ilalamang parin ang tmx 155 sa tmx 150. Product Loyalty ang kalaban ng bago nating model na TMX SUPREMO, eto yung mga taong pagkatapos mong sabihan ng features at ups ng latest model eh heto pa sasabihin sayo.


"WALAAAA AYOKO WALA AKONG NARIRINIG BLEH! BAJAJ YAN BAJAJ!"

Sabi ng Honda Philippines nung nakaraan naming seminar. Nabuo ang supremo galing sa TMX 155. Ibig nitong sabihin na pinagaralan itong mabuti dahil bakit ka mag lalabas ng hindi magandang model at ipapalit mo sa "best selling model" take note "best selling model" ng company mo? Lahat ng features ay dala ng modern trend kung kaya naman ganito kalaki ang pag babago ng tmx supremo.Ang design nito ay tao din ang gumawa? 

PANO? (O.o)
Si honda ay mangangalap ng sangkatutak na parts design at ipapakita sa tao kasabay ng tanong na "kung maglalabas kami ng bagong modelo ano sa mga photo na to ang gusto nyong makita?" Kung aling part ang pinaka gusto nila, un ang pagsasama samahin at hango dun bubuuin ang bagong model.

All in all ang TMX SUPREMO ay gaya ng mga prutas na ginawa para sa tao. Kung sanay ka sa lasa ng isang prutas di mo maapreciate ang isa kung di mo talaga susubukan. Ang laban ng TMX 155 sa supremo ay patas may dehado may llamado pero para sayo nasubukan ko na. Ikaw nlng hinihintay namin.

for more info visit nyo site ng www.hondaph.com.

So there you go! Iuupdate ko itong blog na ito for latest information about sa unit and try to review ung mas latest na modelo ng honda and other brand. PEACE ON EARTH!